Saturday, March 14, 2009

episode 1



Hello,pipiliin ko na lang po magtagalog baka di ko pa kasi maexpress yung nasa loob ko kapag nag english pa ko. Tsaka para lang naman ito sa mga Pilipino eh. Marunong naman ako mag english syempre pero mas maganda mabasa ito ng malalapit kong mahal sa buhay na tagalog at maintindihan nila,kaysa mag english ako tapos wala namang feelings eh wag na lang diba.

Siguro naman madami na din nakakakilala kung sino si Ariezhilton,kasi padami na ng padami ang nakakakilala sakin kung wala naman kasing internet at kung hindi mahilig sa internet yung mga tao jan sa tabi tabi siguro di nila ako makikilala.Wala pa naman akong maipagmamalaki pero set aside ko muna yung issue na yun. Yun na nga po minsan kahit bibili lang ako sa kanto, sa mall, sa park, may tumatawag at may pumapansin na sakin,nakakatuwa pa nga eh kahit hindi ko kilala alam nila kung sino ako,dahil po talaga yun sa Friendster. Nakakahiya man sabihin hindi po ako mahilig mag search sa friendster at i add yung ibang tao para makipag friends sa kanila,natatamad po kasi ako,pero sobrang nagpapasalamat ako kasi yun na nga hindi ako yung nag aadd eh madami nag aadd sakin..salamat talaga,aasa kayo na magiging friendly ako sa inyo,kasi friendly naman ako kaya nga may tropa ako doon may tropa din ako dito. Dapat nyo po akong kaibiganin kasi hindi ako pala inom ng alak,hindi naninigarilyo at lalo na sa lahat hindi nag dadrugs....Ibig sabihin Boring akong tao,hindi naman sa ganun kahit sino naman sinong tao ang magkakagusto na kaibiganin ang mga adik, diba?





Konti lang po talaga din ang nakakaalam ng buhay ko at kung saan ako nagmula,pinagmamalaki ko naman kung saan ako nagmula syempre sa tabing dagat hehe,malapit kasi kami sa dagat,masayang nakatira doon simula pagkabata,natatawa nga lang po ako sa mga taong napapagkamalan akong sosyal,pero sa totoo lang po napakasimple lang ako,nakakalungkot nga lang sa mga taong hindi ako naiintindihan,naaasar tsaka nagagalit sila sakin ng hindi ko alam,malalaman mo na lang sa iba,sana po kilalanin nyo muna ako bago kayo manghusga,natutuwa ako sa mga taong yung inaamin nila sakin kung ano yung first impression nila sakin,akala nila mayabang ako,tapos sasabihin nila mabait pala ako at makasat minsan tahimik,

O sige sa susunod na lang next post ko ikukwento ko sa inyo yung mga tao na connected sa buhay ko..antok na talaga ako..



No comments:

Post a Comment