Tuesday, July 6, 2010

kwentong grade 4

Alam nyo kung may mga bagay na pwedeng ako ibalik sa nakaraan yun yung nasa elementary ako, madaming mga bagay ako na gusto kong maranasan na hindi na talaga pwede maranasan ngayun..Kaya samahan nyo akong alalahanin ang mga nakaraan noong nag aaral pa ko sa elementarya. Hindi man ako kasama sa mga estudyanteng nangunguna sa eskwelahan eh hindi naman ako kasama sa mga estudyanteng mga bobo na walang alam kundi kumain lang ng papel at sipsipin ang pambura na nakadikit sa lapis..Nag aral din naman akong mabuti at sa katunayan mahilig akong magbasa ng mga english at siguro yun ang lamang ko sa mga estudyanteng nangunguna dahil sa pagiging masipag nila,masipag din ako noh..hindi ko lang talaga naisip na makipagkompetensya sa inyo para mailagay sa Top 10..dahil alam ko din naman na hindi lahat sa kanila matatalino baka mahilig lang sumipsip ang mga magulang nila at mahilig bumida pagdating ng PTA meeting ..Kaya kasi nilang magdala ng ceiling fan at stand fan..haha..sensya na Mam..

Isa sa mga hindi ko makakalimutang nangyari nung minsan kaming pinapagdala ng palaka para sa Science..Grade 4 ako nun..Hindi ako nagdala kasi takot ako sa palaka tsaka by group naman yun,hinayaan ko na lang sila ang maghanap.. yun nga nandidiri ako sa palaka..   Pumasok ako sa school ng relax at hindi iniisip kung anu ang gagawin namin sa palaka..pagdating ko sa room namin lapag agad ako ng bag super kwentuhan agad sa mga classmates about sa EAT BULAGA..uso pa nun yun eh kasi 12:30 yung pasok..wala akong kaalam alam yung isang classmate ko pala may binabalak ng masama..nung nagsimula na yung klase..ilalabas ko na yung notebook ko..ayun..sumigaw ako ng malakas.isang napakalaking palaka ang nahawakan ko at hindi ko na maalala ang mga suumunod na nangyari..what a boring story..sensya na..bigla kasi akong tinamad magkwento...next time na lang ulit,.,,




No comments:

Post a Comment