Wednesday, July 7, 2010

ISANG TEXT MESSAGE

Bukod sa mga malalapit na kaibigan ko,na alam na nila ang kwento about sa crush ko..dito ko lang ulit ikukwento para wala lang..mabasa ko ito after ng madaming taon maalala ko yung crush ko na yun..Hindi sya tulad ng iba na maporma at mayaman,ok lang sya simple pero nagustuhan ko sya hindi lang sa tangkad nya at sa kagwapuhan nya,nainlove ako dun kasi dati naaangasan ako sa kanya..tapos nung naksama ko sya nalaman ko na tahimik lang pala sya na tao,kung ano yung kinayabang ng mukha nya,maamo pala sa malapitan..yun yung pagkakakilala ko sa kanya..

Nakareceive ako ng isang message sa crush ko! hindi ko pa nababasa ang message nya at name palang sa inbox ang nabasa ko,parang nagbago na ang mood ko nung araw na yun..syempre masaya ikaw ba naman itxt nya,kakakuha ko palang ng no. nya sa katropa nya..tapos nitxt ko sya,kinabukasan sya nag reply,pero ok na yun..kahit simpleng "kamusta" ok na sakin,bigyan nya lang ako ng konting atensyon.. mahaba kasing kwento ang nangyari..bago kasi sya umalis papuntang bicol,hindi pa kami masyado close nun..tropa nya kasi tropa ko din kaya nakakatambayan ko na sya,hehe nakakahiya naman sa mga nakakakilala sakin at sa kanya nababasa nila toh..so ayun nga..umalis sya..sabi nya pa pupunta na syang Bicol pero 3 days lang daw..kasama ng dad at kapatid nya..mga ilang linggo hindi na sya bumalik sa Bataan,sa gabi gabi ko na iniisip ko sya,naglaho na din yun kasi ilang weeks ko na din syang hindi na kikita..hanggang isang gabi..sabi ng mga katropa nya eh hindi daw makauwi si ____. yun nga si crush hehe..wala daw pamasahe,so ako naman naawa,eh gustong gusto na daw umuwi pabalik dito,tapos nanghihiram daw sakin ng pera..eh wala din naman ako pera na ipapautang sa kanya nung time na yun..Tapos yun nga kinuha ko sa tropa nya yung no. nya..sabi ko.."UY SENSYA NA,IKAW PALA YUNG SMART NA NAGTXT SAKIN SA GLOBE KO"(dalawa kasi gamit ko,yung isang cp globe yung isa smart)..tapos yun nagtxt ulit ako(sensya na ah..hindi kita matutulungan)..Tapos nagreply na sya,"KAMUSTA,ok lang yun..nag iipon naman ako para makabalik jan sa atin"..Dun ako naging ok..hindi ko na sya iisipin..pero lumipas ang mga araw nakatxt ko sya ulit..madamin beses...ang dami kong nikwento..sabi ko "naging close ko na kapatid nya.,.madami nang masasayang nangyari dito na wala ka..bilisan mo bumalik dito." parang iniinggit ko sya..hanggang nagtxt sya..sabi nya.."baka naman madevelop kana sa kapatid ko!!selos na ko nyan" nung pagkatxt nya..parang nag isip na ko ng sasabihin..hanggang wala ako maisip na ireply..kasi crush mo yun eh..parang kikiligin ka na nun eh..hehe..hanggang..nakatanggap ako ng txt..sabi nya,"BALITA JAN?MAHAL KO" hanggang isa pang sabi nyang ganun..ako naman parang "OUCH"..nawrong send sya..para kanino kaya yun..inisip ko..wala naman pala ako sa kanya..isa lang ako friend..hanggang yun niaccept ko na..nitxt ko sya..sabi ko..siguraduhin nya kung sino nitetext nya..nag reply sya.."GALIT KA BAH?"..parang hindi nya niexplain yung wrong txt nya sakin..sabi naman ng friend ko..para daw sakin yung txt nya na yun..hindi daw wrong send yun...pinabayaan ko na ..hindi ko na sya nirereplyan..kahit nag gugud pm sya..ayoko kasi masaktan haha..hayy ang haba ng kwento..siguro nga..wala na ko pake sa kanya..yung kapatid nya na tutuhugin ko...ahayyy..joke..

high school life at college life!

alam nyo ba mga friends..ang high school life ko ang pinakamatindi at hinding hindi ko makakalimutan sa panahong nag aaral pa ko. Hindi ako singtulad ng iba napakarangya ng buhay at palaging araw araw pumapasok at napakomportable sa sinusuot na uniform at hindi ako sing sikat ng ma estudyante dahil sila ay napakagaganda at napakagwapo. Pero ang maipagmamalaki ko eh madami akong friends at simula sa pinaka gwapo at sa pinakapangit sa room namin lahat sila kaclose ko pati ang top 1 na napakabait sakin,pwera lang yung tatlong kaklase ko na mortal kong kaaway, ewan ko nga bah kung bakit napakasalbahe ko sa tatlong babae na yun..may sarili kasi silang mundo. Naranasan ko na ding batuhin ng eraser at chalk box ng isa sa mga paborito kong teacher nung 3rd year na si mam lanie fernando..hinding ko makakalimutan ang mga sigaw kurot at pang lalaki ng mga mata nun kapag galit na galit sakin..ako naman kasi napakapasaway,pero kahit pasaway ako isa naman ako sa mga nagpapasaya sa room namin..kami ng best friend ko na si kring,ay naku,sinasabi ko sa inyo kapag absent kaming dalawa boring ang class..

Nung high school ako,ang bisyo ko lang eh mag absent..yun lang hinding hindi ako naninigarilyo tulad ng mga nakikita ko ngayun na 1st year high school palang parang chimney na ang bibig sa pagbuga ng usok!!kahit ngayun hindi naman ako naninigarilyo at hinding hindi ko gagawin yun..Alam nyo kahit ang dami dami kong problema nung high school,problema sa bahay,problema sa pera,problema sa sarili ko..kahit halos pinagsakluban na ko ng mundo di ko naisip na maging adik at mapariwara ang buhay ko!!ang hindi ko lang matanggap eh yung time na down na down ako,wala akong pinagsabihan ng problema ko kahit mga kaibigan ko..kasi nakikita nila napakasaya ko at mahilig ako magjoke mahilig akong gumawa ng nakakatawa na hindi naman ako nagmumukhang tanga..hehe..Galit na galit ako nun sa mga taong walang ginawa kundi bigyan ako ng sama ng loob,hindi nila nararamdaman na ang sakit sakit na,ang gagawin ko nalang magkukulong ako sa kwarto at hindi kakain ng ilang araw,kaya siguro ang payat payat ko at ang itim itim ko.

Pinatawad ko na naman ang mga taong mapagmataas na bumangga sakin nung time na napakabata ko pa at walang ginawa para ipagtanggol ang sarili,ngayun nasan na ang mga taong nagmamaganda at mapag mataas na yan ..harapin nyo ko,ngayun nyo ko sabihan na SUNOG,MAIITIM NA ITANG GALA,PANGET,BOBO!!haha,bahala na kayo..

ganun pa man,namimiss ko pa din ang mga taong nagpakita sakin ng magagandang pag uugali at pinakita sakin na may halaga pa din ako sa lipunan. MAMATAY NA ANG MGA NAGSASABING ANG BAKLA AY SALOT AT WALANG HALAGA SA LIPUNAN!!

College,yung time na pinilit kong baguhin yung mga kilos ko na pang squatter hehe,inisip ko na kung babalikan ko man ang dati kong kinalakihan..siguro babalik ako dun ng may pagbabago yung hindi na nila ako makikilala at hindi ako mamaliitin ninuman lalong lalo na ang mga mapagmataas at walang ginawa kundi mang tapak ng kapwa..oo sila na ang anak ng Diyos,sila na ang maganda sila na ang matatalino..!!

College,nag aral talaga ako ng mabuti,mahal ang tuition,hayy ang sarap mag aral,aircon at komportable ang mga upuan,ang gagwapo at ang gaganda ng mga classmates..inisip ko sana sing ganda ko din sila,doon ko sinimulang mag ayos sa sarili,at ang ending,naging ok naman kahit konti,doon ako pumuti ang laki ng pinagbago ko,black lady naging white lady..ang dating ariez na walang alam sa ibat ibang lenggwahe..natutu akong mag english ng maayos at mag french..hehehe..sample nga..sige next time..pero sa totoo lang..ang dami kong natutunan at hanggang ngayun ..madami pa din akong natututunan..ang pagkahilig kong magbasa nung elementary,nadoble pa yun ngayun..Pero kahit nagbago ako,pinipilit ko pa din baguhin yung mga bagay na mali na nagagawa ko...AKO PO SI ARIEZHILTON..ang bago nyong kablog!!!!!!!!!

MGA INGGITERA SA MUNDONG IBABAW

Nauso din dati ang mga pambatang telenobela o yung mga cartoons na punong puno ng drama. Sino ba ang hindi nagalit kay Miss Minchin nung minaltrato nya at ginawang katulong si Sara ang munting prinsesa? At sino din ba ang hindi nawili sa cartoons na kilala sa Hapon bilang Shoukoushi Ceddie o mas kilala bilang Cedie dito sa Pilipinas? Sinabayan si Remi sa pagkanta ng “aking ina, mahal kong ina, pagmamahal mo aking ina’, sinubaybayan ang tadhana ng kambal ng tadhana na si Julio at Julia. At nung mga preteens na inabangan si Judy Abott tungkol sa kanyang Daddy Long Leg.
Pati mga paboritong fairy tales ginawa din cartoons tulad na lang ng Cinderella, The Secret Garden at Snow White. Nalaman ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin pinapalabas ang mga cartoons na ito sa telebisyon, kasalukuyang ineere ang Snow White sa umaga. Pinakasikat na ata ang katagang “salamin salamin sabihin sa akin kung sino ang pinakamaganda sa buong kaharian” at sasagot naman itong mahiwagang salamin at sasabihin na ang reyna ang pinakamaganda. Tapos darating ang panahon na masusuklam ang reyna dahil hindi na sya ang pinakamaganda. Ipapatay nya si Snow White.
Naisip nyo ba kung ano ang maaring gawin ng isang tao dahil sa inggit? Yung reyna pinapatay nya si Snow White, yun na ata pinakakarumal-dumal na pwedeng gawin ng isang taong punong puno ng inggit sa katawan ang pumatay para lamang makuha ang gusto nya. Napakabarbaric. Yung iba maninira ng pagkatao para lamang pababain sa kinatatayuan mo, magpapanggap na kaibigan mo pero pagtalikod mo duguan na ang likod mo dahil punong puno na ito ng saksak.
Invidia ang latin term ng inggit at si Leviathan ang demonyong sumisimbolo sa kasalanang ito. Kung malimit kayong magbasa ng bibliya o nagpapanggap na santo o talagang palasimba kayo o marahil nag-aral sa isang ekwelahang katoliko alam kong alam mong kabilang sa 7 deadly sins ang inggit kasama na dyan ang ang Lust, Gluttony, Greed, Sloth, Wrath at Pride.
Sa pananaw ko normal sa isang tao ang mainggit. Ang pagka-inggit ang kakulangan ng isang taong tignan ang sarili at pahalagahan ito at imbes na tumingin sa biyayang kanyang natatamo mas binibigyang pansin nya ang natatanggap ng kapitbahay nya. Sino ba ang nakuntento na sa sariling biyaya? Kung kuntento ka na sa sarili mo at sa mga bagay na na sayo isang masigabong palakpakan ang para sayo. Sino ba hindi nainsecure sa sarili nya, si Britney Spears nga naiinsecure sa legs nya, si Nicole Kidman ayaw sa ilong nya, at marahil pati si Angelina Jolie minsan nasuklam sa labi nya dahil sa sabi sabi na kung ano ang size ng labi sya din size ng pekpek. Marami akong insecurities sa katawan at dahil doon naiinggit ako sa mga ibon na kayang lumipad ng matayog sa langit pero seryoso naiinggit din ako sa porn stars. haha
Balik tayo sa usapang Snow White, sa kwentong ito isinaad din ang aral na wag basta basta magtitiwala sa mga tao, dahil baka akalain mo na mabuti pala ang kanilang intensyon pero yun pala may lason ang mansanas na ipapakagat sayo. Dala ng pagkainngit nagpapanggap ang isang tao pero sa ang totoo nabubulok na ang utak nito kakaisip ng masama sayo. Hindi ko din alam kung ano na ang nangyare sa inggiterang reyna marahil tumanda syang puno ng pagsisisi at kumulubot ang balat, pumanget at noong namatay sya napunta sa impyerno at doon tuluyang natusta ang kaluluwa nito.

si eba at adan!!

Ayon sa simbahang katoliko ang Original Sin ay ang kauna-unahang kasalanan na nagawa ng tao, Ito yung pagsuway nina Eba at Adan sa utos ng Panginoon na wag kainin ang Fruit of Knowledge. Bilang epekto ng pagkain nila ng prutas na yun nakakita si Adan ng legs at nakita naman ni Eba ang eggs ni Adan. Sa huli sila ay pinarusahan at pinalayas sa garden of Eden. Ang babae ay mahihirapan sa pangangak at ang lalake naman ay syang maghihirap na itaguyod ang pamilya bilang pagsunod sa temtasyon na idinulot ni Eba.
Napakalaki ng epekto ng kasalanan ito satin dahil ultimo mga sanggol na di pa pinapanganak ay namana ang kasalanang ito kaya naman pinabibinyagan naten sila. Naisip ko lang kung di lang sana boobita si Eba at kung di sana lapitin ng tukso tong si Adan, eh di sana lahat tayo nakahubad pa rin ngayon. Walang malisya sa isa’t isa. Malaya ang aming mga ibon, di sana sya pinagpapawisan at presko sana sa pakiramdam. At sana ang mga babae di na nahihirapan sa panganganak, hindi na sila nakakaramdam ng sakit, na para lang sila kumain ng mani sa dali ng pangangak.
Ang saya siguro ng mundo kung ang lahat ng tao ay nakahubad, wala tayong alam sa kamunduhan at wala tayong bahid ng malisya. Pero malamang wala din sex, walang procreation dahil tiyak na ang lalake ay ginagawa pa rin ni God gamit ang dust at ang mga babae naman ay magmumula sa tadyang ng kalalakihan. So kung papipiliin ako, sige thank you na lang kina Eba at Adan dahil kung di sila nagkasala malamang wala ng sex, hindi na kayo masasarapan. haha
Unang libro pa lang sa bibliya isinaad na ang tao ay hindi talaga marunong sumunod sa utos. Binigyan tayo ng kakayahang mag-isip upang malaman kung ano ang tama sa mali pero madalas maling landas pa rin ang ating tinatahak. kahit alam na nateng mali, ginagawa pa rin naten.

Tuesday, July 6, 2010

kwentong grade 4

Alam nyo kung may mga bagay na pwedeng ako ibalik sa nakaraan yun yung nasa elementary ako, madaming mga bagay ako na gusto kong maranasan na hindi na talaga pwede maranasan ngayun..Kaya samahan nyo akong alalahanin ang mga nakaraan noong nag aaral pa ko sa elementarya. Hindi man ako kasama sa mga estudyanteng nangunguna sa eskwelahan eh hindi naman ako kasama sa mga estudyanteng mga bobo na walang alam kundi kumain lang ng papel at sipsipin ang pambura na nakadikit sa lapis..Nag aral din naman akong mabuti at sa katunayan mahilig akong magbasa ng mga english at siguro yun ang lamang ko sa mga estudyanteng nangunguna dahil sa pagiging masipag nila,masipag din ako noh..hindi ko lang talaga naisip na makipagkompetensya sa inyo para mailagay sa Top 10..dahil alam ko din naman na hindi lahat sa kanila matatalino baka mahilig lang sumipsip ang mga magulang nila at mahilig bumida pagdating ng PTA meeting ..Kaya kasi nilang magdala ng ceiling fan at stand fan..haha..sensya na Mam..

Isa sa mga hindi ko makakalimutang nangyari nung minsan kaming pinapagdala ng palaka para sa Science..Grade 4 ako nun..Hindi ako nagdala kasi takot ako sa palaka tsaka by group naman yun,hinayaan ko na lang sila ang maghanap.. yun nga nandidiri ako sa palaka..   Pumasok ako sa school ng relax at hindi iniisip kung anu ang gagawin namin sa palaka..pagdating ko sa room namin lapag agad ako ng bag super kwentuhan agad sa mga classmates about sa EAT BULAGA..uso pa nun yun eh kasi 12:30 yung pasok..wala akong kaalam alam yung isang classmate ko pala may binabalak ng masama..nung nagsimula na yung klase..ilalabas ko na yung notebook ko..ayun..sumigaw ako ng malakas.isang napakalaking palaka ang nahawakan ko at hindi ko na maalala ang mga suumunod na nangyari..what a boring story..sensya na..bigla kasi akong tinamad magkwento...next time na lang ulit,.,,




LOve!!by ARiezHILTOn

Minsan naiisip ko bakit may mga taong mababait sayo at may mga taong ayaw sayo. Dahilan ba ito ng mga kinikilos mo at mga ginagawa mo na minsan ay taliwas sila dito? Tama nga, ibat iba ang mga pananaw ng tao sa mundo, minsan kahit tama ang ginagawa mo at doon ka masaya sa puntong gusto mo, pero mali pa din sa kanila at patuloy ka nilang hahadlangan sa mga bagay kung saan ka magiging masaya..Walang perpekto sa mundo depende na lang sa ginagawa mo..

Ako din naman eh,kapag ayaw ko mangyari hinahadlangan ko at may mga bagay din na mahirap na harangin at papabayaan mo na lang mangyari at tatanggapin mo na lang ang katotohanan na masasaktan at masasaktan ka na lang sa huli. Nakakalungkot talaga yun diba? pero yun talaga ang realidad..tulad sa LOVE.. sabi nila napakasarap daw pumasok sa isang relasyon..mararamdaman mo ang mga bagay na hindi mo naramdaman nung nagmamahal ka lang at hindi ka naman minamahal, pero isa lang ang  pagkakapareho sa dalawang bagay na yun,masasaktan ka pa din kahit ano pang pader ang iharang mo..luluha at luluha ka pa din.Bago ka makakarating sa kaligayahan..dadaan ka pa din sa madilim na kalungkutan..