Sunday, March 15, 2009

School Life

Elementary

Madami akong namimiss nung elementary pa ko lalo na yung grupo grupo kaming nagluluto. Kanya kanyang dala ng kaserola,sandok tapos nagcocontribute kami ng pera pambili ng lulutuin. Nakakatuwa,kasi nagsisiraan talaga kami lalo na sinasabi yung luto ng iba salaula,hindi masarap,dugyot!hehehe. Ang hindi ko din makakalimutan nung grade six kami nagtatanim kami ng halaman sa likod ng classroom. Tapos kapag walang tao sinisira namin yung tanim ng isa pang grupo. Syempre walang aamin kasi walang nakakita. Madami talagang eksena na nakakatawa,nakakalungkot. Lalo na yung mga naging katropa ko nung elementary, nag absent kami tapos naligo kami sa ilog,nanguha kami ng mangga,naggala sa sementeryo tapos nakakita ako ng ahas. Nung bata pa ako mahilig na akong gumawa ng comics tapos kapag break ang laro namin ng mga katropa sa loob ng classroom,yung shooting, kanya kanyang drama tapos ako yung gumawa ng script. "Kirara", Erika, Maligno. ganun yung mga pamagat,.. Hindi rin mawawala samin syempre yung kantahan,pagandahan ng boses,alam nyo nagpractice kami ng Kakantahin namin sa graduation,yung isang classmate ko hinimatay sa mataas na part ng kantang On The Wings Of Love,eh nataong kaaway ko pa yung hinimatay napagbintangan pa ako na ako ang may kagagawan..





(ilan lang po sila sa mga classmates ko nung elementary, di ko na talaga kasi makita yung Class Picture namen)


High School Life

Para sakin yung high school life yung pinakamahirap,kasi pumapasok ako minsan walang baon,tapos minsan 1 week straight itlog na prito palage ang ulam ko sa school,minsan nagcucutting pa ko,nagpupunta sa bukid,naliligo,umuuwi pa nga ako kasama yung mga barkada ko puro putik ako sa damit. Pero nung nag 4th year na ako nakahanap na ako ng mabubuting barkada,nag aaral na ko mabuti,pumapasok na ko araw araw,nakakasagot na sa exams at higit sa lahat nakakasipsip na sa mga naging teacher ko. Ang itim itim ko pa dati tapos mukha akong baluga puro pimples pero maarte na ko nung time na yun hehe. Tsaka syempre di mo din malilimutan yung mga crushes,yung lovelife,tsaka mga inapi ko nun..yes tama mapang api ako nung high school,pero bago kami nagraduate nakapag sorry na ko sa mga nakaaway ko nun..pero madami talaga akong friends ah..mga 3 lang kaaway ko tatlong girls (jenisa,marvic,estibar)na nerd sa loob ng room namin,isa sa mga eksena nung nakipagsabunutan ako sa malapit sa hagdanan,kawawa yung classmate ko, si Estibar last name nya po..grabe kinaladkad ko mula sa hagdan hanggang sa ikatlong building,sama ko pala nun pero nagsisi na ko. Tsaka Kapag CAT, tumatakas kami ni kring kasi wala naman talagang kwenta yang Cat na yan,ang yayabang pa ng mga officers,ang papanget naman nila,kung makaasta pa ay,"kami nag aaral mabuti,tapos gaganyanin nyo na lang kami papasquatin..eh mga mukha naman kayong muchacha samin..hehehe biro lang pero naaasar talaga ako sa mga parang tangang CAT officers na yan,mga Amber at Star..Sorry ha..pero naaasar talaga ako sa mga weird na kinikilos nyo dati..parang tanga kayo...


(si mariciris isa samga katropa ko nung high school)


(dess and jessa)



Nakakamiss din talaga yung mga teachers namin dati sila Ms.Navata,sila Ms. Alarcon,siguro kapag nakita nila ako nagyun di na nila ako makikilala sobrang itim ko kasi dati,kapag nasa madilim ako mata lang ang makikita...hehehe


College life
Nag aral talaga akong mabuti nung college,kaya lang may mga times na di ko pumapasok kasi parang lagi ako pinag iinitan ni Ma' am daisy,pero nung huli mabait na din sya,nag aral na kasi akong mabuti nun. Nakakamiss sila Geraldine,Mary jho,sila Lowie tsaka mga school mates ko na naging kaberks ko din,lalo na yung nag gala kami nung gabi nakakotse kami,hehe may sikreto pa din pala na di pa din nabunyag tungkol sa mga nangyari sa car..diba ate maryjho??namimiss ko din si rina..nasan na kaya sila ngayun,tsaka yung mga dance steps namin..yung cheering competition na nagchampion tayo,yung Billy Crawford dance natin sa concert na nilangaw.hehe..sila Mam Ana,yun..

Wala pala akong photos ng mga classmates ko nung college,kasi nung graduattion namin,ang dala kong camera de film..nakakahiya pa nga nun kasi naglalabasan sila ng camera puro digicam ako de film..hehehe ok lang yun...


Saturday, March 14, 2009

episode 1



Hello,pipiliin ko na lang po magtagalog baka di ko pa kasi maexpress yung nasa loob ko kapag nag english pa ko. Tsaka para lang naman ito sa mga Pilipino eh. Marunong naman ako mag english syempre pero mas maganda mabasa ito ng malalapit kong mahal sa buhay na tagalog at maintindihan nila,kaysa mag english ako tapos wala namang feelings eh wag na lang diba.

Siguro naman madami na din nakakakilala kung sino si Ariezhilton,kasi padami na ng padami ang nakakakilala sakin kung wala naman kasing internet at kung hindi mahilig sa internet yung mga tao jan sa tabi tabi siguro di nila ako makikilala.Wala pa naman akong maipagmamalaki pero set aside ko muna yung issue na yun. Yun na nga po minsan kahit bibili lang ako sa kanto, sa mall, sa park, may tumatawag at may pumapansin na sakin,nakakatuwa pa nga eh kahit hindi ko kilala alam nila kung sino ako,dahil po talaga yun sa Friendster. Nakakahiya man sabihin hindi po ako mahilig mag search sa friendster at i add yung ibang tao para makipag friends sa kanila,natatamad po kasi ako,pero sobrang nagpapasalamat ako kasi yun na nga hindi ako yung nag aadd eh madami nag aadd sakin..salamat talaga,aasa kayo na magiging friendly ako sa inyo,kasi friendly naman ako kaya nga may tropa ako doon may tropa din ako dito. Dapat nyo po akong kaibiganin kasi hindi ako pala inom ng alak,hindi naninigarilyo at lalo na sa lahat hindi nag dadrugs....Ibig sabihin Boring akong tao,hindi naman sa ganun kahit sino naman sinong tao ang magkakagusto na kaibiganin ang mga adik, diba?





Konti lang po talaga din ang nakakaalam ng buhay ko at kung saan ako nagmula,pinagmamalaki ko naman kung saan ako nagmula syempre sa tabing dagat hehe,malapit kasi kami sa dagat,masayang nakatira doon simula pagkabata,natatawa nga lang po ako sa mga taong napapagkamalan akong sosyal,pero sa totoo lang po napakasimple lang ako,nakakalungkot nga lang sa mga taong hindi ako naiintindihan,naaasar tsaka nagagalit sila sakin ng hindi ko alam,malalaman mo na lang sa iba,sana po kilalanin nyo muna ako bago kayo manghusga,natutuwa ako sa mga taong yung inaamin nila sakin kung ano yung first impression nila sakin,akala nila mayabang ako,tapos sasabihin nila mabait pala ako at makasat minsan tahimik,

O sige sa susunod na lang next post ko ikukwento ko sa inyo yung mga tao na connected sa buhay ko..antok na talaga ako..